Recent Posts

Breaking News

Ika-449 Araw ng Maynila isesentro sa mga frontliner

Walang magarbong selebrasyon na inihanda ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa nalalapit na selebrasyon ng ika-449 Araw ng Maynila sa darating na Hunyo 24.

Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ang taunang selebrasyong ng Araw ng Maynila ay ilalalaan para bigyan ng pagkilala ang mga frontliner na nanguna sa paglaban sa COVID-19.

Nabatid sa direktiba ni Moreno kay
Charlie Dungo, head ng Department of Tourism Culture and the Arts Manila (DTCAM), pinababalangkas niya ito ng mga plano kung papaano mabibigyan ng karapat-dapat na pagkilala ang mga frontliner at ang mga donor na nagbigay ng tulong sa siyudad mula pa noong magsimula ang pandemic.

“I told Charlie na ‘wag na mag-celebrate ng Araw ng Maynila in a regular way and instead, we can commemorate the occasion by dedicating it to our frontliners. Hopefully, in the coming days, matatapos na ang plano to recognize all frontliners,” ayon kay Moreno.

Pinuri ni Moreno ang mga doctor, nurse, health personnel, barangay authorities, police authorities at personnel mula sa mga city departments at agencies sangkot sa paglaban sa pandemic.

“We are also very grateful to all our donors. Vice Mayor Honey Lacuña and I are toying the idea of how to thank our donors. To them and our frontliners, we cannot thank them enough,” dagdag pa ni Moreno.

Kaugnay nito, nabatid na pinagkalooban ni Moreno si Manila Police District (MPD) Director Gen. Rolly Miranda ng isang ceremonial check na nagkakahalaga ng P35 milyon, bilang financial sa may 4,000 miyembro ng MPD.

Ayon kay City treasurer Jasmin Talegon, ang nabanggit na halaga ay kumakatawan sa P2,500 buwanang allowance ng mga pulis mula Enero hanggang Marso at inaayos na rin ng Manila City Council ang kanilang mga allowance mula Abril at Mayo.

“The checks will be in your name and you will be protected with a new system which ensures that you will get the entire allowance due you. Tapos na ‘yung mga araw na alam ko, nababalitaan naman ninyo. Pulis kapwa pulis, tinotolongges,” ayon kay Moreno.

“‘Yang pera na ‘yan, balewala. It is just our way of showing appreciation dahil hindi namin kayang suklian ang hirap at dedikasyon ninyo na mapanatag ang kalooban ng mga taga-Maynila habang sila ay natutulog at nasa labas ng bahay. I hope you continue performing your sworn duty,” pagtatapos nito.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ika-449-araw-ng-maynila-isesentro-sa-mga-frontliner/)

Walang komento