Recent Posts

Breaking News

Hollywood: Cole Sprouse itinanggi ang panghahalay sa fan

Ang Riverdale star na si Cole Sprouse ang latest actor na naakusahan na nanghalay ng babae. Last week ay inakusahan din ng panghahalay sina Danny Masterson at Ansel Elgort.

Sa kaso ni Cole, isang babae ang nag-accuse sa kanya ng sexual assault noong nag-aaral pa ito sa New York University. Siniwalat ito ng biktima sa pamamagitan ng Twitter.

Sa naturang tweet, naganap daw ang panghahalay ni Cole sa kanya sa isang party noong 2013.

Pero, agad ngang pinabulaanan ni Cole ang bintang sa kanyang panghahalay sa pamamagitan ng Twitter.

Dinamay din sa sexual assault ang tatlong co-stars niya sa Riverdale na sina KJ Apa, Lili Reinhart at Vanessa Morgan.

“Earlier today myself and three other cast mates were falsely accused of sexual offense by anonymous accounts on twitter.

“I take these accusations very seriously, and will be working with the right teams to get to the root of it.

“False accusations do tremendous damage to victims of actual assault. Furthermore, I would never seek to silence anybody. I encourage that people look into the accusations themselves, as the events detailed were factually untrue.

“This seems to be the latest claim in a series of incidents seeking to baselessly cancel my cast mates and me.”

Nag-deny rin sina KJ, Lili at Vanessa. They will seek legal action kung pagpapatuloy ng taong ito ang akusasyon sa kanila. (Ruel Mendoza)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/hollywood-cole-sprouse-itinanggi-ang-panghahalay-sa-fan/)

Walang komento