Recent Posts

Breaking News

Hamon sa publiko, tagumpay – Roque

Napagwagian ng publiko ang challenge na binigay ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Napaulat na 35,000 ang kaso ng COVID-19 infection isang araw bago magtapos ang buwan ng Hunyo.

Kaya naman ayon kay Roque, pinakinggan ng madla ang kanyang hamon na huwag hayaang umabot sa 40,000 ang mga tatamaan ng COVID-19, na prediksiyon ng mga UP expert.

“In terms of positivity rate, in terms of case doubling rate, in case of mortality rate we are winning. In fact, we defied what was predicted by the UP study. We have limited the cases to 35,000,” ani Roque.

Tiniyak ng tagapagsalita na magtutuloy-tuloy ang gobyerno sa mga pinatutupad na hakbang para hindi madagdagan ang kontaminasyon sa COVID-19.

Matatandaang tila gamemaster na hinamon ni Roque ang publiko noong nakalipas na linggo na huwag hayaang magkatotoo ang huli ng UP experts na aabot ng 40,000 ang mga virus case pagsapit ng June 30.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/hamon-sa-publiko-tagumpay-roque/)

Walang komento