Recent Posts

Breaking News

Gustong mang-rape kay Frankie natunton na ng DOJ

Umuusad na ang pagtugis kay Sonny Alcos o Sonny Co, ang lalaking umano’y nagsabing hahalayin si Frankie Pangilinan kung 12 anyos lang ito.

Matatandaang sinabi ng nanay ni Frankie, si Sharon Cuneta, na hahantingin niya ang lalaki. Sinabi rin kamakailan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakipag-usap na sa kanya ang Megastar para mapanagot ang lalaki.

Ngayong Martes, hinayag ni Justice Undersecretary Markk Perete na natukoy na nila ang tinitirhan at employer ni Alcos.

Pinapreserba na rin umano ng kanilang cybercrime office ang Facebook account ng nagbantang netizen.

“We already know Sonny Alcos’ residence, employer through our cybercrime office,” wika ni Perete sa ANC, Hunyo 23.

“Cybercrime office has asked Facebook to preserve the account of Sonny Alcos,” dagdag nito.

Matatandaang binahagi ni Sharon ang umano’y komento ni Alcos sa social media na:

“Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 yrs. old pataas Magtago ka na sa tatay mong senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo, dahil hindi ako makukulong.”

Ayon sa Juvenile Justice and Welfare Act na inakda ni Senador Kiko Pangilinan — na mister ni Shawie at tatay ni Frankie — ay hindi makukulong ang mga 14-anyos pababa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/gustong-mang-rape-kay-frankie-natunton-na-ng-doj/)

Walang komento