Recent Posts

Breaking News

Gumaling sa COVID sa mundo 5 milyon na

Humigit na sa limang milyon ang mga indibidwal na naka-recover sa COVID-19 sa daigdig.

Ayon sa Johns Hopkins University, Linggo ng umaga, nasa 5,032,146 na ang mga virus survivor.

Samantala, 9.95 milyon naman ang kabuuang dami ng mga tinamaan habang halos 500,000 ang yumao mula sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa Pilipinas naman, 34,803 ang nahawa sa virus. Kabilang dito ang 9,430 gumaling at 1,236 ginupo ng sakit.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/gumaling-sa-covid-sa-mundo-5-milyon-na/)

Walang komento