Recent Posts

Breaking News

Gretchen may pinulot na 3 aral sa lockdown

May hatid na buti kay TV presenter at former volleyball star Gretchen Ho s ang mahigit tatlong buwan ng quarantine o lockdown sanhi ng COVID-19 pandemic dahil naging madasalin, palabasa at nagkaoras siya sa kanyang pamilya.

“ This quarantine has really changed me. I’ve become more “domesticated”, I’ve picked up on reading again, I’ve gotten more quiet time and time for family,” anang dating Philippine SuperLiga (PSL)-Petron Blaze Spikers at University Athletic Association of the Philippines (UAAP)-Ateneo Lady Eagles player sa kanyang Instagram (gratchenho) noong Lunes ng gabi.

Hinirit pa ng 30-taong-gulang at may taas na 5-6 na Manilenyang dalaga, na hindi nakakapaekto ang mga pinagkaka-busy-han sa disiplina niya sa trabaho, pero ‘di niya masabi ang mga bagong ginagawa kung dahilan ito ng quarantine o nagkakaedad na siya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/gretchen-may-pinulot-na-3-aral-sa-lockdown/)

Walang komento