Recent Posts

Breaking News

‘George Floyd ginamit sa kanta, K-pop group insensitive’

Nandiri ang madla nang marinig ang katagang “I can’t breathe” ni George Floyd sa bagong kanta ng isang K-pop boy band member.

Nilabas ni Hyunwoong ng rookie group 2Z ang awit na may audio mismo ni Floyd–ang black American na yumao matapos tuhurin ng isang puting police officer sa leeg sa loob nang halos 9 minuto.

Nakasusuklam umano ang ginawa ng rapper, ayon sa mga netizen.

Samantala, binura na ni Hyunwoong ang naturang kanta sa kanyang personal Instagram account.

Nag-sorry na rin siya at ang affiliated company ng 2Z na Gogo2020.

“I wanted to make it known to the world in other special ways. I was too excited, but I didn’t mean anything bad. I’m sorry,” ayon kay Hyunwoong. “Since I was young, i love black people, hip hop and basketball. I am reflecting on what I did. I am acknowledging my wrong doings. I am deeply sorry.”



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/george-floyd-ginamit-sa-kanta-k-pop-group-insensitive/)

Walang komento