Recent Posts

Breaking News

Gatchalian namigay ng pagkain sa Bulacan

Patuloy ang pagpapahatid ng tulong ni Senador Sherwin Gatchalian sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic.

Binahagi ng mambabatas ang pamimigay nila ng mga buong manok sa mga residente ng dalawang munisipalidad sa Bulacan.

“Nagpaabot po tayo ng pagkain sa mga Dumagat families sa Doña Remedios Trinidad at Norzagaray, Bulacan,” saad sa tweet ni Win.

“Asahan na hindi po natin pababayaan ang ating indigenous communities. Walang maiiwan.”

Matagal nang tumutulong si Gatchalian sa mga barangay, street dweller, persons with disability, at mga na-stranded para may makain sa panahon ng pandemya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/gatchalian-namigay-ng-pagkain-sa-bulacan/)

Walang komento