Recent Posts

Breaking News

Gabriela nag-zumba sa Araw ng Kalayaan, anti-terror bill pinalagan

Nasa 40 katao ang nagtipon sa Marikina River Park sa inorganisa na zumba ng Gabriela sa Araw ng Kalayaan.

Tumagal ang sayaw ng nasabing party-list ng apat na minuto at kahit nagtipon ay napatupad naman ang social distancing.

Ito’y sinagawa ng grupo para muling igiit ang pagtutol sa anti-terrorism bill na nilarawan nila bilang “single biggest threat to Filipinos’ basic freedoms and civil liberties.”

“This is an expression of women’s collective stance to defend our hard-fought freedoms and civil liberties, which the Duterte administration seeks to erase through the ‘state terror’ bill,” ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas.

“Pagpapakita ito na hindi magsasawalang kibo ang mga kababaihan sa harap ng napakasahol na krisis at pagpapabaya ng gobyerno sa harap ng pandemya,” aniya pa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/gabriela-nag-zumba-sa-araw-ng-kalayaan-anti-terror-bill-pinalagan/)

Walang komento