Recent Posts

Breaking News

Flash drive, face mask, internet load pamumudmod sa 85K Makati student

85,000 estudyante ng Makati public schools para sa school year 2020-2021 ang inaasahang mabigyan ng learner’s package at internet load na may 5 oras kada araw.

‘Di pa rito kasama ang libreng school uniforms, leather shoes, rubber shoes, at school supplies na karaniwang binibigay sa mga mag-aaral ng mga pampublikong paaralan sa nasabing lungsod, mula preschool hanggang senior high school.

Nagtataglay ang kada learner’s package ng 2 washable face mask, printed modules, at On-The-Go flash drive na naglalaman ng digitized learning modules para pwedeng mag-aral kahit walang internet connection.

Kabilang sa digitized learning module ang mga video, illustration, at interactive exercise na ayon kay Makati Mayor Abigail Binay ay dinebelop ng Department of Education Makati at maaaring magamit sa smartphone (android o iOS), tablet, laptop, desktop, o smart TV.

Samantala, makatatanggap din ang mga guro ng public schools sa Makati ng libreng internet load upang makapagsagawa ang mga ito ng online learning exercises.

Sinabi ng alkalde, sa isang ulat, na katulong ng local government ang City Schools Division Office ng DepEd Makati sa mga nasabing inisyatiba habang may coronavirus pandemic.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/flash-drive-face-mask-internet-load-pamumudmod-sa-85k-makati-student/)

Walang komento