Recent Posts

Breaking News

FDA pinagpapaliwanag sa kwestiyonableng rapid test kit

Pinagpapaliwanag ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor ang Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa kuwestiyonableng pagkalat ng mahigit isang dosenang brand ng rapid test kit na hindi pa rehistrado sa mga bansang pinanggalingan nito.

Ito´y matapos na makatanggap ng report ang kongresista tungkol sa mga ‘unreliability at inaccuracy’ ng mahigit isang dosenang RTK brand na nauna nang tinutulan ng Department of Health na gamitin.

Giit ng kognresista sa FDA na ipaliwanag kung bakit pinayagan nitong ibenta ang RTKs na walang validation sa pagiging epektibo nito o pag-apruba ng regulators ng bansang pinanggalingan nito.

Ayon sa kognresista, dapat ipinaliwanag nina DOH Undersecretary at FDA Director-General Rolando Enrique Domingo, at FDA Director Bayani San Juan ang pag-apruba sa mga RTK brand na hindi maganda ang tingin ng publiko bilang alternatibong COVID test.

Partikular na hiningian ng paliwanag ni Defensor si DOH Undersecretary at FDA Director-General Rolando Enrique Domingo gayundin si FDA Director Bayani C. San Juan.

“FDA has no capacity to test the reliability of RTK so it has to depend on its counterparts from overseas. The problem is it approved the sale of RTK brands even though these were not approved by FDA from their respective home countries,” giit ni Defensor.

Ilan sa mga RTK brands na pinangalanan ni Defensor na wala umanong endorsements mula sa mga regulatory body sa kanilang bansang pinanggalingan ay ang mga sumusunod:

Onsite COVID-19 ng CTK Biotech na gawa sa USA ( manufactured sa China) walang EUA FROM US FDA; Qingdao Hightop Biotech; Diagnosure COVID-19 ng Hangzhou Biotest Biotech; Bioscience Chongqing; Zybio Inc. ; Zheijang Orient Gene Biotech; Maglumi 2019 NCOs ng Shenzen New Industries Biomedical; VivaDiag ng Vivachek Biotech Hangzhou; Shanghai Outdo Biotech; Beijing Lepu Medical Technology.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/fda-pinagpapaliwanag-sa-kwestiyonableng-rapid-test-kit/)

Walang komento