Recent Posts

Breaking News

Extradition sa nambastos kay Frankie, nakaumang

Nakaumang na ang kahilingan para sa extradition kung kinakailangan sa sandaling tuluyan nang maisampa ang kaso laban sa lalaking nambastos sa anak ni Megastar Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan.

Gayundin, sinabi ni Department of Justice Usec. Markk Perete na hiniling na rin ng DOJ-Office of Cybercrime sa Facebook na i-preserve ang nilalaman ng account ni Sonny Alcos, ang lalaking itinuturong nambastos kay Frankie habang nakabinbin ang pagsasampa ng kaso ni Sharon.

“Should a complaint be filed, law enforcers may apply for a warrant to disclose computer data and a request for extradition, if warranted, may be made,” ayon kay Perete.

Kaugnay nito, nabatid na tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakilanlan, lokasyon ng taong isinangkot.

Biniperipika na lamang umano ito ng NBI para sa pagpapadala ng notice sa sandaling maghain na ng kasong kriminal si Sharon.

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kung si Frankie ay nasa legal na edad na, dapat siya ang lumagda sa reklamo at panumpaan ito sa harap ng prosecutor.

Maaari umano itong gawin sa anumang city prosecutor office, o direktang isampa sa DOJ ng kanyang abogado para sa kanya.

“Her lawyer may do it for her, provided the complaint has been duly sworn to by the complainant. it is preferable, though, that the complainant personally appear before the prosecutor,” ayon kay Guevarra.

Sinabi ni Guevarra na maaari nila itong gawin sa susunod na linggo pagkatapos ng COVID-19 lockdown ng DOJ.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/extradition-sa-nambastos-kay-frankie-nakaumang/)

Walang komento