Recent Posts

Breaking News

Erich mahal palagi si Enchong

Makalipas ang matagal na panahon, muling na-reunite ang dating love team na sina Erich Gonzales and Enchong Dee.

Hindi sila reunited sa isang proyekto, pero sa in-upload na picture ni Enchong kamakailan, makikitang muli silang nagsama para mag-inuman, magsama sa isang vlog, at magkulitan.

“@erichgg is literally a message away. we collaborated, we got drunk, we caught up, we laughed… thank you for today dai! I enjoyed my whole day with you,” caption ni Enchong sa picture nilang dalawa ni Erich.
Nagreply din naman agad si Erich at sinabing “Thank you also. Love you always!!”

Marami ang kinilig sa muling pagsasama nila at nasabik na makita silang magkasama ulit sa isang proyekto. Ang iba pa nga ay pinu-push na magkatuluyan sa totoong buhay ang dalawang star.

“Sana kayo na lang,” anila.

Matatandaang nagkatambal ang dalawa noong 2009 sa teleseryeng “Katorse.”
Samantala, hindi rin nawala ang pagbibigay ng ibang kulay ng ibang netizen sa muling pagsasama ng dalawa.

“Nag-inuman nga lang ba talaga?” hirit pa ng ilan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/erich-mahal-palagi-si-enchong/)

Walang komento