Recent Posts

Breaking News

Enrollment matatapos sa June 30

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa publiko na magwawakas na ang enrollment sa mga pampublikong paaralan sa Martes.

“The Department of Education is reminding those who still intend to enroll in public schools to do so on or before June 30, 2020, Tuesday, as it is about to wrap up its month-long enrollment period,” pahayag ng DepEd.

Sa ngayon ay tumatanggap pa sila ng enrollment sa pamamagitan ng form na isusumite sa pamamagitan ng drop box.

Nakatakdang magsimula ang klase sa August 24 kung saan isasagawa ang mga distance learning method kabilang ang online o offline teaching method.

Suspendido naman ang face-to-face learning dahil sa coronavirus pandemic.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/enrollment-matatapos-sa-june-30/)

Walang komento