Recent Posts

Breaking News

Empleyado sapul ng COVID: Opisina ng Bureau of Immigration sinara

Ikakandado muna ang main office ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila matapos na isang empleyado nila ang magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay BI acting spokesperson Melvin Mabulac, isang staff ng BI ang nagpositibo sa rapid antibody test na sinagawa noong nakaraang linggo.

Kaagad namang pina-test din ang mga katrabaho nito sa BI.

“He initially tested positive in the rapid test conducted last June 2 so he was subjected to a confirmatory swab test. The test result showing he has the virus came out last Saturday,” ayon kay Mabulac.

“We assure the public that our main office will be back in business as soon as we have finished disinfecting our building. Please wait for further announcements,” saad naman ni Immigration commissioner Jaime Morente.

Samantala, mananatili namang bukas ang mga satellite office ng BI sa Metro Manila.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/empleyado-sapul-ng-covid-opisina-ng-bureau-of-immigration-sinara/)

Walang komento