Recent Posts

Breaking News

Emergency power ni Duterte natuldukan na

Nagtapos na ngayong June 25 ang emergency powers na binigay ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte, kasabay ng pagtatapos ng bisa ng Bayanihan to Heal as One Act.

Ang nabanggit na batas ay pinasa ng Kongreso para mapabilis ang mga aksiyong dapat gawin ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasabay ng pagtatapos ng bisa ng Bayanihan Act ay hindi na magagawa ng gobyerno na bumili ng mga medikal na kagamitan para panlaban sa virus.

Pero sa ngayon ay sapat umano ang supply ng Personal Protective Equipment (PPE) na nabili ng gobyerno, pati na ang testing kits at ventilators na nakatakdang i-deliver sa bansa.

Sakaling may pangangailangan aniya ng dagdag na emergency power sa Pangulo ay maaaring humiling ng special session ng Kongreso.

“For now, we have everything that we need. Of course, we would need to have emergency powers again because it takes forever to comply with the procurement act. But I’m confident that the time will come that the Executive and both Houses of Congress can agree on something and we can then ask Congress to hold special session,” ani Roque.

Mayroon aniyang pending bill sa Kongreso para maipagpatuloy ang pagharap sa problema sa COVID-19 subalit isasama ang isang stimulus package na agad tinutulan ni Finance Secretary Carlos Dominguez.

Sinabi ng tagapagsalita na nagpapatuloy ang negosasyon at umaasa ang MalacaƱang na magkakaroon ng positibong desisyon sa panig ng Ehekutibo at Kongreso.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/emergency-power-ni-duterte-natuldukan-na/)

Walang komento