Recent Posts

Breaking News

Duterte, Xi nagtelebabad tungkol sa COVID

Nagkausap sa telepono ang top official ng Pilipinas at China para matalakay ang sitwasyon sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa post ng Chinese Embassy sa Maynila, nagtawagan ang dalawa para paigtingin ang kooperasyon ng dalawang bansa nitong Huwebes bago ang Araw ng Kalayaan sa ‘Pinas.

“Chinese President Xi Jinping had one telephone conversation with Philippine President Duterte on the evening of June 11,” saad sa Facebook post ng Chinese embassy.

“Xi Jinping stressed that since the outbreak of COVID-19, the governments and people of China and the Philippines have helped each other and fought the pandemic together, demonstrating the brotherly friendship of mutual help,” aniya pa.

Kasama din sa pinag-usapan ng dalawa ay ang ika-45 anibersaryo ng diplomatic relation ng Pilipinas at China.

“Under your strong leadership, China has not only successfully controlled the pandemic itself, but also generously extended a helping hand to partners such as the Philippines,” saad pa ng Embahada patungkol kay Duterte.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/duterte-xi-nagtelebabad-tungkol-sa-covid/)

Walang komento