Recent Posts

Breaking News

Duterte iisnabin Independence Day celeb sa Luneta

Posibleng hindi makadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Independence Day sa Luneta sa Hunyo 12.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na limitado lang kasi sa 10 ang puwedeng dumalo sa Luneta para masiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa COVID-19.

Bukod dito, nasa Davao City ang Pangulo kaya ilang opisyal lang ng gobyerno ang makakadalo sa aktibidad sa Biyernes.

“Sampu lang kasi ang puwedeng dumalo. Sa kauna-unahang pagkakataon dahil sa COVID-19 ay sampu lang ‘yung nandoon sa Luneta,” ani Roque.

Gayunman, posible aniyang may kahalintulad na aktibidad sa Davao City sa June 12, pero hindi pa tiyak kung pangungunahan ito ng Presidente.

Sinabi ni Roque na ito ang kauna-unahang pagkakataon na iseselebra ng Pilipinas ang Independence Day na limitado ang dadalo at limitado ang mga aktibidad dahil sa pandemya.

Wala rin aniyang magko-cover sa Independece Day celebration sa Luneta dahil ipaiiral ang naturang limitasyon sa bilang ng mga puwedeng dumalo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/duterte-iisnabin-independence-day-celeb-sa-luneta/)

Walang komento