Recent Posts

Breaking News

Duque: Kay Duterte ako naglilingkod

Giit ni Health Secretary Francisco Duque III, nagsisilbi siya sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tugon niya ito nang tanungin ukol sa panawagan ng maraming Pinoy na bumaba na siya sa puwesto dahil sa umano’y kapalpakan niyang mamuno habang may COVID-19 crisis.

“I serve at the pleasure of the President. Maraming salamat po,” wika niya, Martes, sa media briefing ng Gabinete sa Clark, Pampanga. Nag-send-off ang Gabinete sa mga OFW na naka-quarantine sa isang hotel doon.

Naunang umalis si Duque sa briefing dahil may appointment ito, ayon kay COVID-19 Response Deputy Chief Implementer Vince Dizon.

Matatandaang noong Abril, hiniling ng 14 senador na agarang mag-resign na si Duque dahil sa umano’y “failure of leadership” nito habang may pandemya.

Maraming kilalang personalidad na rin ang pumabor sa pagbibitiw ng kalihim, kabilang si Ben&Ben vocalist Paolo Benjamin Guico at aktor-makata Juan Miguel Severo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/duque-kay-duterte-ako-naglilingkod/)

Walang komento