Recent Posts

Breaking News

DSWD muling kinalampag ni Cayetano sa SAP

Muling kinalampag ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siguruhin na nito ang isang maayos at mabilis na pamamahagi ng pangalawang P100-bilyong tulong pinansiyal sa mga milyong low-income families sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Una nang ipinahayag ni Cayetano ang pagkadismaya nito sa naging mabagal na implementasyon ng SAP kasabay ng kahilingan nitong dapat na managot ang mga namamahala sa implementasyon nito nito.

Ang DSWD ang pangunahing implementor ng SAP.

Kasabay na rin dito ang panawagan ni Cayetano sa House Committee on Good Government and Public Accountability at Defeat COVID-19 Adhoc Committee na patuloy pa rin pag-usapan ang mga hakbang upang masiguro ang maayos at mabilis na paghahatid serbisyong lalo ngayon panahon ng pandemic.

Ayon kay Cayetano, hindi lamang trabaho ng Kongreso na silipin at panagutin ang mga taong bigong gawin ang kanilang trabaho kundi ang gumawa ng paraan upang masigurong maihatid ng maayos ang serbisyo sa tao.

“We can continue to discuss how to hold people accountable not for the sake of being accountable, but to give people better services,” ayon kay Cayetano.

Sa kasalukuyan ay marami nang resolusyong nakahain sa Kamara na humihiling na imbestigahan anv sinasabing iregularidad sa implementasyon ng SAP gayundin ang kahilingan sa pamahalaan na madaliin ang pamimigay nito pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga barangay para sa pagtukoy ng mga beneficiaries.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/dswd-muling-kinalampag-ni-cayetano-sa-sap/)

Walang komento