Recent Posts

Breaking News

Drilon sa PAGCOR: ‘Wag na habulin ang POGO

Hindi naman malaking kawalan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kaya hindi na dapat habulin ang pag-alis ng ilan sa kanila.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos ibunyag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na dalawang POGO na ang lumayas sa bansa dahil sa isyu ng hindi pagbabayad ng buwis.

“That’s good news. Let them go. Hindi po natin kawalan ang POGOs. Huwag po natin silang habulin. Pagcor should stop playing a lover to POGOs. It should abandon any effort to woe them back,” reaksiyon ni Drilon.

Malinaw naman aniya na nakasaad sa batas sa pagbubuwis na kailangang magbayad ang POGO ng kanilang franchise at withholding tax, bagay na hindi sinusunod ng ilan sa kanila.

“Our tax laws are clear: POGOs should pay franchise and withholding taxes. They should settle their P50 billion unpaid taxes,” sabi ng senador.

Nanawagan din siya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na agad magpatupad ng closure order sa mga dilingkuwenteng mga POGO na hanggang ngayon ay hindi binabayaran ang kanilang buwis.

“I urge the BIR to immediately implement a closure order to these delinquent POGOs. Failure to implement it is a violation of its own rules,” ayon pa kay Drilon.

Noong Linggo, inihayag ni PAGCOR chair and chief executive officer Andrea Domingo na dalawang offshore gaming company na ang umalis sa bansa dahil sa hindi pagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Ang dalawang POGO ay ang Suncity, isang unit ng Suncity Group na gambling giant sa Macau, at Don Tencess Asian Solutions.

Sabi pa ni Domingo, may ilang POGO pa ang inaasahang aalis sa bansa sa susunod na mga buwan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/drilon-sa-pagcor-wag-na-habulin-ang-pogo/)

Walang komento