Recent Posts

Breaking News

‘Domestic Flights’ pwede nang lumapag sa Aklan

Papayagan nang lumapag ang mga ‘domestic flights’ sa lalawigan ng Aklan simula ngayong July 1, 2020.

Base sa executive order na nilagdaan ni provincial Governor Florencio Miraflores, papayagan na sa kanilang probinsiya ang ‘inbound domestic flights’ na may mga sakay na locally stranded individuals (LSIs), at ang mga balik-bayan na overseas Filipinos.

Gayunpaman, ang mga nagbabalik na eroplano mula Aklan ay maaaring tumanggap ng mga pasahero anumang ang klasipikasyon, pero dapat ay sumailalim muna ang mga ito sa ‘health protocols’ at may ipakikitang medical certificate mula sa government health facility.

“Individuals who wish to enter the province must show a medical certificate issued by any government physician, travel authority issued by the Philippine National Police, and a health declaration card,” nakasaad sa EO.

Ang mga ‘airlines’ na papayagang makapag-opetrate ay ang Philippine Airlines/PAL Express, Cebu Pacific Air, at Air Asia.

Nabatid na dalawang flights lamang bawat airline ang tatanggapin kada linggo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/domestic-flights-pwede-nang-lumapag-sa-aklan/)

Walang komento