Recent Posts

Breaking News

Doktor sa ‘Barrio’ dinala sa Cebu City

Dinala ng Department of Health (DOH) para maglingkod sa Cebu City ang mga Doctor to the Barrios (DTTBs).

Nabatid na ipinull out muna ng DOH sa kani-kanilang lalawigan ang mga DTTBs para tumutok sa paglaban sa pagkalat lalo ng coronavirus disease (COVID-19) sa Cebu City.

“Following reports of CHD 7 Director Bernadas that the Cebu City health care system is overwhelmed with patient load at the moment, Health Secretary Francisco T. Duque III issued a directive to deploy doctors including DTTBs,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ito ay sinang-ayunan at aprubado rin nina National Task Force Secretary Carlito Galvez at Cebu Overseer Secretary Roy Cimatu.

“The assigned doctors are rural health physicians (RHP) and not municipal health officers (MHO). Meaning the municipality they serve already has a municipal-hired doctor ensuring that the municipalities they serve will not be left doctorless during their assignment,” ayon pa sa opisyal.

Nabatid na pansamantala lamang ang pamamalagi sa Cebu ng mga DTTBs na magbibigay lamang ng ayuda tulad ng ginawa sa Marawi City at noong Bagyong Yolanda.

Magpapatuloy naman umano ang serbisyong medikal sa mga rural area dahil sa may presensya pa rin ng municipal health officers.

Ito ay matapos na umabot sa kritikal na situwasyon ang kaso ng COVID sa Cebu.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/doktor-sa-barrio-dinala-sa-cebu-city/)

Walang komento