Recent Posts

Breaking News

DOH nagbabala sa paggamit ng UV light

nalarma ng Department of Health ang publiko sa paggamit ng ultraviolet (UV) light para mapuksa ang mga virus tulad ng SARS-CoV-2 sa mga surface.

Ayon sa DOH, ang UV light ay ginagamit lamang para sa mga ospital at iba pang healthcare facility, base sa rekumendasyon ng World Health Organization.

“Ang mga devices na gumagamit ng ultraviolet ay angkop sa health care settings. Ibig sabihin ay ginagamit lamang po ito sa loob ng mga ospital and clinics,” saad ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Aniya pa, wala naman umanong pag-aaral na mabisa ang UV light sa ibang lugar maliban sa mga ospital.

“Alinsunod sa rekomendasyon ng WHO, hindi po ito replacement sa manual na paglilinis at pagpupunas at pagtatanggal ng mga contaminants mula sa mga environmental surfaces,” lahad pa ng DOH official.

Saad ni Vergeire, dapat ay manatili na lang sa mga alcohol at bleach sa pagdi-disinfect ng mga gamit, dahil pwedeng magdulot ng skin cancer at masira ang mata sa UV light.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/doh-nagbabala-sa-paggamit-ng-uv-light/)

Walang komento