Recent Posts

Breaking News

Diego Loyzaga nakabuntis

Marami ang nasorpresa sa rebelasyon ng aktres na si Sofia Andres na isa na siyang ina nitong Father’s day. Pero laking gulat din ng mga netizen na may ipinost din ang ex-boyfriend ng aktres na si Diego Loyzaga na picture ng ultrasound at may note pa na “quarantine baby” sa IG story niya.

Kaya naman, palaisipan ngayon sa mga netizen kung ang pinost ba na ultrasound picture ni Diego ay anak niya.

Kung may baby na nga si Diego, sino naman kaya ang nanay ng baby nito?

Kapwa namahinga sa spotlight ang dalawa na sina Diego at Sofia na mag-ex.

Ngayon nga na medyo nagiging active na ulit sila sa social media, marami ang naloloka sa mga pasabog ng dalawa.

Si Sofia ay kumpirmadong ina na, ngunit si Diego ay palaisipan kung nakabuntis nga ba o mula sa kaibigan o kamag-anak lang ang ultrasound result na ipinost niya. (Athena Yap)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/diego-loyzaga-nakabuntis/)

Walang komento