Recent Posts

Breaking News

‘Di na nakauwi sa ‘Pinas: Pinay nagpakamatay sa cruise ship

Isang Pilipina na naghihintay makauwi sa Pilipinas ang kinitil ang kanyang sariling buhay.

Ayon sa tweet ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, nag-suicide umano si Mariah Jocson, isang 28-anyos na nagtatrabaho sa cruise ship.

Nasa cabin umano ng Harmony of the Seas ang Pinay na naka-angkla sa Barbados habang naghihintay ito sa repatriation para makabalik na sa Pilipinas.

“It is my sad duty to report that a 28-year old female mariner committed suicide in her cabin in the ship where she’s had to stay because repatriation flights back to the Philippines have been suspended again,” saad ni Locsin. “I know our quarantine facilities are jam-packed; just don’t know why.”

Ayon kay Locsin, ito na ang ikalawang insidente ng Pinoy abroad na nagpakamatay kasabay ng COVID-19 pandemic.

“We are tartly reminded that Filipino resilience is no excuse to stretch them to breaking point. Di sila goma; tao sila,” ayon pa sa kalihim.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/di-na-nakauwi-sa-pinas-pinay-nagpakamatay-sa-cruise-ship/)

Walang komento