Recent Posts

Breaking News

‘Di lahat ng jeep makakabiyahe – Roque

Walang kasiguruhan na lahat ng traditional jeeps ay papayagang makapasada sa mga lansangan sa sandaling may go signal na para makabiyahe ang mga ito.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap na rin ng pag-aabang ng maraming jeepney driver na makabalik sa lansangan.

Ayon kay Roque isasaalang-alang ang road worthiness ng mga jeep na papasada at hindi kasama rito ang mga palyado, lumang-luma na at mga bulok na pampasaherong jeep.

“Ang sinabi ni Chairman Delgra, yung mga roadworthy na jeepneys ay maibabalik siguro so I don’t think na mayroon siyang sweeping statement na lahat ng jeepneys ay papayagan. Ang kanyang qualifier na roadworthy means hindi lahat ng jeepneys ay mapapayagang makabalik para pumasada,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na kakausapin niya ang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na si Martin Delgra para malinawan kung ano ang plano nito para sa mga jeepney driver na hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik sa paghahanapbuhay.

“Yes we will talk to Chair Delgra dahil kami dito sa OPS, sa balita lang nalalaman ang ano yung latest pronouncements ng LTFRB,” dagdag ni Roque.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/di-lahat-ng-jeep-makakabiyahe-roque/)

Walang komento