Recent Posts

Breaking News

DepEd: Mga guro ‘di pa nasasanay, modules ‘di pa napi-print

Apat sa sampung guro sa pampublikong paaralan ay hindi pa sumasailalim sa pagsasanay para sa distance learning, ayon kay Department of Education Secretary Diosdado San Antonio.

“We hope to be able to provide the training to our fellow teachers this coming July, the remaining 60%,” pahayag ni San Antonio sa pagdinig ng Senado.

Batay sa report ng Department of Education (DepEd) Information and Communications Technology Service (ICTS), sinabi ni San Antonio na 300,000 guro pa lamang ang sinasanay sa information and communications technology (ICT)-based learning.

Tinturuan umano ang mga guro kung papaano iko-convert ang learning material sa e-books at iba pang digital format.

Pagsapit ng Hulyo, umaasa ang DepEd na matatapos na ang pagsasanay ng 800,000 guro para sa online learning modalities.

“We hope to be able to provide the training for our fellow teachers this coming July, for the remaining 60 percent,” ani San Antonio.

Binigyang-diin ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng basic education committee, na kailangan maging handa ang mga guro sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

“The teacher should be prepared 24/7, they should be prepared in any eventuality. This pandemic has demonstrated that our teachers are not equipped and trained in terms of distance learning,” sabi ni Gatchalian.

“Talagang magaling sila pagdating sa physical teaching but since may ganito tayong mga pandemya, nakita natin na ngayon lang natin ginagawa ’to (training),” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.7 milyong mag-aaral na nakapag-enrol na, tatlong linggo matapos buksan ng DepEd ang enrolment.

Samantala, inihayag ng DepEd Undersecretary Tonisito Umali na hindi pa rin naiimprenta ang mga self-learning modules para sa mga mag-aaral.

“‘Yung pag-iimprenta ng self-learning modules, hindi pa po nangyayari ngayong buwan ng Hunyo. Inaasahan po natin na gagawin natin sa susunod na buwan,” sabi ni Umali.

“Printing of materials usually takes 30 to 60 days, including delivery,” saad pa nito, kasabay ng pagtitiyak na nakahanda na ang lesion para sa unang quarter ng school year.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/deped-mga-guro-di-pa-nasasanay-modules-di-pa-napi-print/)

Walang komento