Recent Posts

Breaking News

DepEd: Face to face class bawal hangga’t walang COVID vaccine

Sumunod ang Department of Education (DepEd) sa suhestiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang face to face classes hangga’t wala pang bakuna sa COVID-19.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hindi na muna magkakaroon ng klase sa mga paaralan dahil sa banta ng virus.

“We thank the President for reiterating the national government’s willingness to assist us in our endeavor to offer alternatives to face-to-face learning despite the public health situation,” saad ni Briones.

“We will comply with the President’s directive to postpone face-to-face classes until a vaccine is available,” aniya pa.

Sa ngayon ay ikakasa ng kagawaran ang blended learning gamit ang ilang mga paraan para mabuksan pa rin ang school year na planong gawin sa August 24.

“Radio, television, online and modular learning — which are pre-existing methods and were already used for decades — are being prepared and updated for this year,” lahad pa ng kalihim.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/deped-face-to-face-class-bawal-hanggat-walang-covid-vaccine/)

Walang komento