Recent Posts

Breaking News

Defensor, Remulla, Marcoleta, 3 idiots – mga netizen

May Pinoy remake na umano ang 2009 Indian comedy-drama film na “3 idiots.”

Ito ang bansag ng maraming netizen kina SAGIP Partylist Rep. Mike Defensor, Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla, at ANAKALUSUGAN Partylist Rep. Rodante Marcoleta matapos ang House joint hearing kahapon hinggil sa ABS-CBN franchise.

Mga “nagpapabango” at “makasarili” kasi anila ang mga naturang mambabatas na kinukuwestiyon ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa Kapamilya network.

Panawagan pa ng mga netizen, ibalik ang ABS-CBN sa pag-ere.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/defensor-remulla-marcoleta-3-idiots-mga-netizen1/)

Walang komento