Recent Posts

Breaking News

Dahil walang internet, Piston 6 napatagal ang detensyon

Giniit ng abogado ng 6 nakapiit na tsuper na dahil sa pahintu-hintong internet connection sa judiciary office, ‘di nakapagpiyansa ang mga ito.

Hindi umano natanggap at naproseso ng court clerk’s office ang mga kaukulang dokumento dahil walang internet doon.

“‘Pag po tinanong natin iyong employees doon, sinasabi nila na very intermittent at kadalasan wala[ng internet],” wika ni Atty. VJ Topacio, Lunes, sa ulat ng ABS-CBN News.

“Hindi lang naman po kami iyong naperwisyo sa nangyari. Ang dami po nating nakalinya na kababayan doon, naghihintay na mag-online ulit ang Office of the Clerk of Court,” aniya pa.

Pinabulaanan naman ito ni Caloocan chief prosecutor Atty. Ferdinand Valbuena at sinabing in-email aniya niya sa judiciary office ang mga dokumentong kailangan sa paglaya ng mga tsuper bandang ala-una ng hapon, Biyernes.

Inaresto ang 6 na tsuper at miyembro ng transport group Piston noong nakaraang Martes matapos nilang mag-rally sa EDSA para sa pagbabalik-pasada ng mga jeep ngayong niluwagan na ang community quarantine sa Metro Manila at sa iba pang lugar.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/dahil-walang-internet-piston-6-napatagal-ang-detensyon/)

Walang komento