Recent Posts

Breaking News

Dahil mataas ang COVID case: Cimatu ipapadala sa Cebu

Tinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu bilang kinatawan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa Cebu City.

Nais aniya niyang matukoy kung gaano kagrabe ang sitwasyon ng COVID-19 sa Cebu kaya agad na bibiyahe ang kalihim, kasama ang mga opisyal ng National Task Force for COVID-19, ngayong Martes.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na gagamitin umano ni Cimatu ang lahat ng kapangyarihan ng IATF, partikular ang paggawa ng mahahalagang desisyon para labanan ang virus sa lungsod.

“To my brothers and sisters in Cebu, I will send over General Cimatu. He will exercise all the powers of the IATF and to advise Manila that these things are being done, these things are not yet done and these things must be done,” wika niya.

Magpapalabas din si Duterte ng Executive Order para sa magiging papel ng kalihim sa Cebu City.

“Kaya sabi ko kay General Cimatu, just exercise the powers of the Task Force anyway [because] you are an adjunct office there,” dagdag niya.

Matatandaang binalik sa enhanced community quarantine ang status ng Cebu City sa harap ng mataas na kaso ng COVID-19 doon.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/dahil-mataas-ang-covid-case-cimatu-ipapadala-sa-cebu/)

Walang komento