Recent Posts

Breaking News

Daanbantayan, Cebu Mayor positibo sa COVID

Tinamaan ng new coronavirus si Daanbantayan, Cebu Mayor Sun Shimura.

Kinumpirma ito ng alkalde sa Facebook post ng Munisipalidad ng Daanbantayan kung saan nakuha niya ang resulta ng swab test nitong Linggo.

Ayon kay Shimura, nagkaroon siya ng lagnat at ubo kaya sumailalim sa COVID-19 test.

Noong una ay nagpa-rapid test na ito ngunit nagnegatibo ang resulta kaya nagpatuloy pa rin sa pag-attend sa mga meeting sa kanilang local government unit.

Sa ngayon ay online muna nito isasagawa ang pagpulong sa ibang kawani ng local government ng Daanbantayan, Cebu.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/daanbantayan-cebu-mayor-positibo-sa-covid/)

Walang komento