Recent Posts

Breaking News

COVID positive umasa lang sa tuob, tigok

Bagaman iniinda ang pananakit ng tiyan at pagsusuka, hindi kumonsulta sa doktor ang isang 34-anyos na babae mula Barangay Carmen, Cagayan de Oro. Nagsagawa lang ito ng tuob o steam inhalation.

Dineklara itong dead on arrival sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC), Hunyo 7.

Kalaunan, nakumpirma na nagpositibo sa COVID-19 ang yumaong babae at kumpirmadong nahawa nito ang 4 niyang kapamilya na nananatili ngayon sa isolation facility ng lungsod.

Kaya naman wika ng mga health official sa probinsya, huwag gamitin ang tuob bilang preventive measure sa COVID-19.

“Steam inhalation can help relieve nasal congestions if one is experiencing minor cold and cough. However, there is no scientific evidence that it that kills viruses or prevents virus infection,” ani City health office epidemiologist Dr. Joselito Retuya, sa isang ulat.

“Tuob can never prevent nor cure coronavirus,” ayon naman kay NMMC liaison officer Dr. Bernard Julius Rocha.

Ang napatunayang preventive measure laban sa COVID-19, ayon kay DOH-10 infectious diseases cluster head Dr. Ian Gonzales, ay palagiang paghuhugas ng kamay, physical distancing, pagsusuot ng face mask, at pananatili sa bahay.

Matatandaang nagpatupad ang lokal na pamunuan sa Cebu ng memorandum na sinasabing dapat magsagawa ng tuob ang mga provincial government employee sa kani-kanilang workstation, dalawang beses kada araw. Bilang gamot umano ito sa “mga posibleng sintomas ng COVID-19.”

Tinuligsa naman ng maraming doktor ang tuob laban sa COVID-19, kabilang si infectious disease expert Dr. Edsel Salvana.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/covid-positive-umasa-lang-sa-tuob-tigok1/)

Walang komento