Recent Posts

Breaking News

COVID positive na pulis lumobo, 1 pulis nasawi

Nadagdagan na naman ng isang nasawing pulis dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang lumobo na sa 499 ang nagpositibo sa kanilang hanay ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) lunes ng umaga.

Sa press briefing na isinagawa ni PNP chief General Archie Gamboa sa Camp Crame, Lunes ng umaga, sinabi nito na ang huling tatlong nasawing pulis dahil sa COVID-19 ay parehong nagmula sa lalawigan ng Cebu. Matatandaang nitong nakaraang lingo ay dalawang miyembro ng Cebu City police ang nasawi dahil sa COVID-19 at itong isang bagong kaso ng nasawi ay mula rin sa nasabing lalawigan.

“The last 3 are all coming from cebu that’s why as I have said we are rushing up our construction and accreditation of our RT-PCR in Cebu because there is so much infection there. As a matter of fact ang dami, there was one time parang almost 10 coming from cebu na positive,” pahayag ni Gamboa sa isinagawang press briefing.

“I think there are 122 (pulis) ang positive sa Cebu. Masyado na marami that’s why we are putting up are RT-PCR there,” dagdag pa ni Gamboa.

Sa ngayon ay tumaas na walo ang bilang ng namatay na pulis sa COVID-19 habang pumalo na sa 499 ang kaso nito sa buong bansa kung saan 288 sa kanila ay naka-recover na.

Mayroon pang minomonitor ang PNP Health Service na 661 probable case habang aabot naman sa 875 ang binabantayang suspected case.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/covid-positive-na-pulis-lumobo-1-pulis-nasawi/)

Walang komento