Recent Posts

Breaking News

COVID positive humampas sa 34,803 – DOH

Abot na sa 34,803 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Sabado.

Ayon sa tala ng Department of Health, 738 ang bagong tinamaan ng virus sa Pilipinas.

Sa nasabing bilang, 560 ay tinuturing na fresh case, 212 ay mula sa NCR habang 184 naman ay nanggaling sa Region VII o Central Visayas,

Habang 178 naman ang kasama sa late case, 85 mula NCR at 23 naman sa Region VII.

Samantala, akyat naman sa 9,430 ang total recovery matapos madagdagan ng 249 na gumaling sa sakit.

Habang naitala sa 1,236 ang death toll sa 12 bagong nasawi sa virus.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/covid-positive-humampas-sa-34803-doh/)

Walang komento