Recent Posts

Breaking News

CHED website puno ng libreng online course

Gusto mo bang matuto nang libre tungkol sa agrikultura, home economics, criminal justice, relihiyon, engineering, information technology, at iba pa?

Nilunsad ng Commission on Higher Education (CHED) ngayong Martes ang “PHL CHED Connect”, isang website na naglalaman ng mga materyales para sa mga mag-aaral at guro sa kolehiyo.

Binuksan ang nasabing online portal habang pinagbabawalan pa ng gobyerno ang face-to-face classes sa harap ng banta ng coronavirus pandemic.

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na ginawa ang website para kahit kailan, gamit ang iba’t ibang gadget, ay pwedeng matuto ang mga mag-aaral o may magamit na learning materials ang mga guro.

May mga aralin aniya roon na nakalagay sa text, video at iba pang digital format.

Matitingnan ang website dito: https://phlconnect.ched.gov.ph/

Unang nabanggit ng CHED na magsisimula ng kanilang school year ang mga kolehiyo at pamantasan depende sa paraan ng kanilang pagtuturo: pwedeng mula Hunyo kapag online lang o mula Agosto kapag “flexible learning”.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ched-website-puno-ng-libreng-online-course/)

Walang komento