Recent Posts

Breaking News

Cebu City posibleng sunod na COVID ‘hotspot’ – task force adviser

Maaaring ang Cebu City ang maging sunod na “hotspot” ng coronavirus disease 2019 sa bansa, ayon kay National Task Force on COVID-19 medical adviser Ted Herbosa.

Nakababahala rin aniya ang paparaming kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

“The city of Cebu might be our next hotspot. As you know cases in Manila is going down and cases in Cebu is going up and Region 8 is also alarming because they suddenly have many cases, which are mostly from Balik-Probinsya (Program) and OFWs (overseas Filipino workers) returning,” sambit ni Herbosa sa ANC, Lunes.

Ayon sa adviser, tumaas ang mga kaso sa Cebu City dahil pinauwi ng mga local government ang mga pasyenteng mild lang ang sintomas, imbes na panatilihin ang mga ito sa quarantine facility, na tinatayo pa lang noon.

“There was confusion in the beginning. Mild cases were sent home but as we all know when the situation at home is not ideal for a home quarantine, what happens if you just increase the transmission in a household,” aniya pa.

Una nang sinabi ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na inasahan nila ang pagdami ng mga naitalang COVID-19 case dahil nagsasagawa aniya sila ng mass swab testing sa lungsod.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/cebu-city-posibleng-sunod-na-covid-hotspot-task-force-adviser/)

Walang komento