Recent Posts

Breaking News

Cebu City pasaway sa ECQ kaya mataas COVID-19 case – Cimatu

Batay sa obserbasyon ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, ang hindi pagsunod sa mga health protocol ng mga residente at kawalan ng police visibility ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng coronavirus sa Cebu City.

Magugunitang ibinalik sa enhanced community quarantine sa kalagitnaan ng Hunyo ang lungsod dahil sa paglobo ng bilang ng mga tinamaan ng virus doon.

“Ang aking na-observe, the things that I have observed here when I first came, was the really non-compliance of the ECQ ‘yung mga guidelines and protocols that were adopted ay hindi nasunod kaagad, and I observed na kulang ang pulis na talagang naka-assign dito, nagkaroon ng ECQ agad so parang nabigla,” wika ni Cimatu nang kapanayamin sa ANC nitong Martes.

“Despite na nagkaroon ng ECQ maraming mga nagba-violate, siguro konti pa lang ang pulis at that time. Pero nung dumating ‘yung additional na PNP na na-assign ni Gen. Año ay na-improve ‘yung compliance,” dagdag niya.

Samantala, para kay Cimatu dapat naka-ECQ pa rin ang Cebu matapos ang June 30 o hanggang bumaba ang kaso ng virus sa lugar.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/cebu-city-pasaway-sa-ecq-kaya-mataas-covid-19-case-cimatu/)

Walang komento