Recent Posts

Breaking News

Catriona pumalag sa pag-aresto sa Pride March

Kinuwestiyon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang ginawang pagdakip sa 20 aktibista na nag-rally sa Maynila sa selebrasyon ng LGBT Pride Month noong Biyernes.

Giit niya, naka-face mask naman ang mga participant at sumunod sa social distancing, bakit kailangang gamitan ng puwersa ang mga ito.

“Is this the new normal? Earlier today a peaceful #PRIDE rally held in Manila where mask wearing participants practicing social distancing were met by police in riot gear and arrested,” tweet ni Catriona.

“If proper health guidelines were being followed, (social distancing, mask wearing) why the use of force? Why the withholding of rights (witnesses said they were not read their miranda rights before arrest nor given reason of arrest)? Videos circulating online confirm this,” sabi pa niya.

Kahapon hindi bababa sa 20 aktibista ang dinampot ng mga awtoridad matapos ang matiwasay na rally.

Kabilang sa mga inaresto ang mga kasapi ng Gabriela, LGBT group Bahaghari, Children’s Rehabilitation Center, at Salinlahi Alliance for Children’s Concerns.

Gayunman, ‘di pa tinutukoy ng awtoridad kung ano ang naging paglabag ng mga aktibista.

Sinabi ni Bahaghari spokesperson Rey Valmores-Salinas sa ulat ng Inquirer, na ipinanawagan nila sa rally ang equal rights, jeepney phaseout at anti-terror bill.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/catriona-pumalag-sa-pag-aresto-sa-pride-march1/)

Walang komento