Recent Posts

Breaking News

Buwis sa online sellers pinalagan

Pinalagan ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Memorandum Circular na magpapataw ng buwis sa mga online sellers at pagtatakda ng agarang deadline sa pagtugon dito.

Giit ni Taduran, hindi napapanahon ang kautusan dahil karamihan sa mga online sellers ay napuwersa lang na magbenta dahil sa pandemya.

Karamihan umano sa mga online sellers ay nawalan ng regular na trabaho dahil sa lockdown kaya dapat naman bigyan ito ng konsiderasyon ng BIR.

“These online sellers just want to put food on the table. This might even be just a temporary activity for them until they find a more stable job,” ayon kay Taduran.

Ngunit nilinaw naman ng solon na bagama´t dapat lamang na magparehistro ang bawat negosyo at magbayad ng buwis ngunit ang pagtatakda umano ng deadline at babala ay maituturing namang isang ‘insensitive’ sa halip ay hayaan na munang makabangon ang mga ito mula sa krisis.

“Nakadapa pa ang lahat dahil sa pandemic. Pinipilit na lang ng mga taong mabuhay makaraang mawalan sila ng regular na trabaho kaya’t nag-shift sa online selling. And at this time, when we are discouraging people to go outside, it will be difficult for them to process all the requirements needed for their registration with the July 31, 2020 deadline,” dagdag pa ni Taduran.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/buwis-sa-online-sellers-pinalagan/)

Walang komento