Recent Posts

Breaking News

BrightWin kinababaliwan ng mga Pinoy

Makakasama ng mga Pinoy fan ang mga bida ng sikat na Thai series na “2gether” na sina Bright Vachirawit at Win Metawin sa unang live interview nila sa Pilipinas ngayong Biyernes (June 26), 4 PM sa iba’t ibang digital platforms ng ABS-CBN.

Siguradong siksik sa kilig at saya ang usapan dahil sasagutin mismo nina Bright at Win ang piling mga tanong ng fans sa Twitter.

Mapapanood ang “BrightWin Live” nang libre sa ABS-CBN Entertainment YouTube, Facebook, at Twitter accounts, sa iWant app at Facebook page nito, at sa Facebook accounts ng Dreamscape Entertainment, Kapamilyanovelas, at Asianovela Channel.

Ang “2gether The Series” ang pinakaunang Tagalized Thai series sa bansa at mapapanood na ng libre sa iWant simula ngayong Linggo (June 28). Iikot ang kwento nito kina Tine at Sarawat, dalawang college students na magkukunwaring magkasintahan at mahuhulog ang loob sa isa’t isa.

Simula noong Pebrero, naging instant hit na ang romance-comedy series sa social media at umani ng maraming Pinoy fans para sa tandem nina Bright and Win dahil sa malakas nilang chemistry. (Dondon Sermino)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/brightwin-kinababaliwan-ng-mga-pinoy/)

Walang komento