Recent Posts

Breaking News

Blackpink record breaker

Muling nakapagtala ng bagong record ang K-pop girl group na BLACKPINK sa kanilang pinakabagong music video nilabas nitong June 26 (Biyernes).

Sa loob ng isang araw ay mayroon na agad higit 90 million views ang YouTube music video ng kanilang bagong kanta na “How You Like That” at nag-trend pa sa lahat ng social media platforms!

Waging-wagi na naman ang puso ng mga fan ng naturang grupo o kung tawagin ay “Blinks” dahil sa bagong milestone ng kanilang bias group.

Ayon sa pagtatantya ni Soompi, ang “How You Like That” ay lumampas sa 90 milyong views sa YouTube sa isang araw, dalawang oras, at anim na minuto, kumpara sa “Boys With Luv” na tumagal ng isang araw, tatlong oras, at 50 minuto upang ma-achieve ang ganoon karaming views.
Ibig sabihin ay nahigitan nito ang record ng BTS, kaya naman todo bunyi talaga ang mga Blink online.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/blackpink-record-breaker/)

Walang komento