Recent Posts

Breaking News

BIR sa mga online seller: Magbayad kayong tax!

Inabisuhan ng Bureau of Internal Revenue ang bawat online seller na iparehistro ang kani-kanilang mga negosyo at magbayad ng buwis.

Ayon sa memorandum circular na nilabas ng BIR, inuutusan ang mga online seller na ideklara ang kanilang mga naging transaksyon para makapagbayad ng tax ng hindi lalampas sa July31.

“This Circular is issued to give due notice to all persons doing business and earning income in any manner or form, specifically those who are into digital transactions through the use of any electronic platforms and media, and other digital means, to ensure that their businesses are registered pursuant to the provisions of Section 236 of the Tax Code, as amended, and that they are tax compliant,” ayon sa memo ng BIR.

Sinuman ang hindi makasunod dito ay papatawan ng mga penalty ayon sa batas, saad pa ng ahensya na nakatuon sa pangongolekta ng buwis.

“Likewise, they are encouraged to voluntarily declare their past transactions subject to pertinent taxes and pay the taxes due thereon, without corresponding penalty, when declared and paid on or before the said date,” lahad pa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/bir-sa-mga-online-seller-magbayad-kayong-tax/)

Walang komento