Recent Posts

Breaking News

BB kay Vice: Tama na makeup, mashonda ka na!

Hindi pinalampas ni BB Gandanghari ang pagkuwestiyon noon ni Vice Ganda sa kanyang pagmomodelo kahit nasa 40s na siya.

Nagsalita na kasi ang US-based YouTuber sa mga komento ng ilang personalidad noong nagbalik-bansa siya noong 2009 at iniwan ang dating identity bilang Rustom Padilla.

“Nag-modeling school sa New York yata. Bakit, magmomodela? Ngayon siya magmomodela, e nasa 40’s [na siya]! Parang medyo may edad na. Hindi naman pangit si BB noh, although may kabaduyan. Feeling ko, mahal yung mga sinuot. Na-mismatch lang,” sey ng noo’y stand-up comedian na si Vice sa TV Patrol.

Sinagot ni Binibini, 53, ang nabanggit na komento sa kanyang YouTube video nitong June 7, 2020.

“Baduy, talaga? Ito pang isang kabobohan, sorry sa word ah, pero really, it’s dumb para i-comment mo na magmo-model, kuwarenta. How dare you? I hope marinig ‘to ng mga racist at makita ang pagiging racist mo, bruha ka!” ayon sa transgender vlogger.

“Bakit, walang karapatang mag-model ang 40 [anyos]? Nakarinig ka na ba ng 40-plus models, 50-plus models? Nakarinig ka na ba ng ‘diversity’? O ikaw, kuwarenta anyos ka na ngayon, I think tama-tama na rin ‘yang pa-make-up make-up ng ganyang kabigat. Medyo mashonda na rin para dyan.”

“I’m proudly golden, but do not diminish whatever potentials I have whether I’m 40 or 50. Hindi mo [dapat] sinasabi sa kahit kaninong tao ‘yan! Bakit, wala nang pag-asa ang tao? Ngayon, tumatanda ka rin, tignan natin. Naku, kainin mo sana lahat ng sinabi mo!” bulalas niya pa sa 44-year-old Kapamilya star.

Samantala, tinawag din ni BB na “hipokrita” si beauty expert Ricky Reyes, na ‘di rin pumabor sa kanyang transition noon, at hinamon na “tumingin ka sa salamin at tingnan mo ngayon sino ang mukhang unggoy sa’ting dalawa.”



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/bb-kay-vice-tama-na-makeup-mashonda-ka-na/)

Walang komento