Recent Posts

Breaking News

Bayan Muna sa PNP chief: Police commanders na nagpakalat ng fake news parusahan

Panawagan ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa na panagutin ang mga police commanders na nagpapakalat ng fake news at red-tagging laban sa mga kritiko ng administrasyon lalo ang mga aktibista.

Nauna nang binalaan ni Gamboa ang mga police officers nito na sila’y mahaharap sa kaukulang kaso oras na sila’y lalabag sa social media protocol ng organisasyon.

Ngunit ayon kay Zarate, tila sinuway at hindi ito sinunod ng ilan niyang tauhan tulad umano ng ginawa ng CARAGA regional police office, na gumawa ng red tagging posts at harassment laban sa mga aktibista at ito´y makikita sa kanilang sa Facebook posts.

Ito’y malinaw na paglabag umano sa social media protocols bukod sa ang naturang aksiyon ng PNP Caraga ay malinaw na paglabag sa direktiba o babala ng pinuno ng PNP kung kaya´t nararapat lamang na patawan ito ng ng kaukulang kaparusahan.

“This actions of PNP Caraga is clear disobedience of the PNP Chief’s warning that warrants, at the very least, suspension, even demotion, from office of Brig. Gen. Joselito Esquivel,” giit ni Zarate.

Dito na rin umano pinatunayan ang kanilang pangamba na ang itinutulak na terror bill ng pamahalaan ay tiyak na aabusuhin.

“Ngayon pa nga lang na wala pa ang batas na yan ay todo na ang harassment at red-tagging, paano pa kaya kapag nailusot na nila ang new terror bill! Malamang ay mass arrests at iba pang paglabag sa karapatan ng mga kritiko ng administrasyon ang mangyayari,” dagdag ng solon.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/bayan-muna-sa-pnp-chief-police-commanders-na-nagpakalat-ng-fake-news-parusahan/)

Walang komento