Recent Posts

Breaking News

Bata na may ‘basahan cake’ inulan ng totoong cake

Naging viral online ang cake na gawa sa basahan ng isang ina para sa kanyang anak na may kaarawan, dahil kapos sila sa pera habang may coronavirus pandemic.

“[Gumawa] ako basahan noong kaarawan niya. Ang naisip ko ang basahan ibibigay na cake kay Angel para maimagine niyang mayroon siyang cake,” banggit ni Rosalyn Fernandez sa ABS-CBN’s Teleradyo.

Matapos ito, nakatanggap aniya sila ng anim na tunay na cake para sa edad 7 na anak na si Angel, mula sa mga nagpadalang netizen.

Meron pa aniyang nagbigay ng pera mula Canada pambili nila ng palabok.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/bata-na-may-basahan-cake-inulan-ng-totoong-cake/)

Walang komento