Recent Posts

Breaking News

Banggaan sa Mindoro dahil sa maalon na dagat – PCG

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard, nangyari ang banggaan ng Pinoy fishing boat at Hong Kong cargo vessel dahil sa “rough seas.”

Sinabi ito ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, matapos tumama ang Vienna Wood sa F/V Liberty Singko at iniwan itong nakalutang bandang ala-una ng madaling-araw noong Linggo.

Hinahanap ngayon ng mga awtoridad ang 14 katao na sakay ng naturang bangka.

Samantala, naunang sinabi ng Vienna Wood sa PCG na ‘di nila alam ang tungkol sa tinutukoy na bangka.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/banggaan-sa-mindoro-dahil-sa-maalon-na-dagat-pcg/)

Walang komento