Recent Posts

Breaking News

Bagong quarantine site sa Marawi binuksan

Nitong Sabado, binuksan ng Marawi City local government ang bago nilang quarantine at treatment facility.

Ito ay ang converted P30-milyong Siyapen Center, ang unang community-based drug rehabilitation center na pinondohan ng Ayala Foundation at tinurn over sa local government noong Enero 2018. Ang “Siyapen” ay nangangahulugang “pangangalaga” sa wikang Maranao.

Meron itong 60-bed capacity at lugar para mamalagi muna ang mga locally stranded individual (LSI) na nagpositibo sa COVID-19 pero asymptomatic o iyong mga walang nararanasang sintomas ng nasabing virus.

Tutulong ito sa pagbawas ng mga tao sa screening at quarantine facility sa Barangay Sagonsongan, ayon kay Marawi City Mayor Majul Gandamra.

“On the previous setup, those LSIs who were reactive (in the rapid test), we quarantine them at the Sagonsongan facility if their houses are not ideal for isolation. Covid-19 positive LSIs are increasing that is why we opened Siyapen,” wika pa ng alkalde.

As of June 28, nakapagtala na ang Marawi City ng 19 coronavirus case–lahat ay pawang LSI na nagsiuwian ngayong Hunyo.

Nasa 664 ang kabuuang LSI na bumalik sa Marawi mula nang kinasa ang “Hatid Probinsya” program.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/bagong-quarantine-site-sa-marawi-binuksan/)

Walang komento