Recent Posts

Breaking News

Baby pinanganak sa eroplano!

Kakaiba ang kwento ng isang sanggol matapos itong mailuwal ilang milya ang layo mula sa lupa.

Ayon kay Philippine Airlines spokesperson Cielo Villaluna, isang baby boy ang pinanganak sa isang flight mula Dubai patungong Maynila.

Sa flight PR 659, nagtulong-tulong ang mga cabin crew para mapaanak ang isang buntis sa tulong ng isang doktor na kanilang tinawagan para sila’y magabayan.

“This was the winning formula which enabled the cabin crew team of a PAL Manila-bound flight from Dubai (PR659/June6) to successfully bring into this world a healthy baby boy,” ayon kay Villaluna.

“PAL crew is trained to deal with these inflight moments. An extraordinary situation,” aniya pa.

Sa Facebook post ni Villaluna, isa-isa nitong pinasalamatan ang crew na tumulong para ligtas na mapaanak ang kanilang pasahero.

#BuongPusongAlaga. Focus and Teamwork.

This was the winning formula which enabled the cabin crew team of a PAL…

Posted by Cielo Villaluna on Saturday, June 6, 2020



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/baby-pinanganak-sa-eroplano/)

Walang komento